My blog

Paano Maghanda ng Almusal (PROSIDYURAL)
Una, ihanda ang mga sangkap na gagamitin. Sunod, lutuin ang pagkain nang maingat. Ihain ang pagkain sa malinis na mesa. Pagkatapos kumain, linisin ang mga ginamit. Sa ganitong paraan, nagiging maayos ang paghahanda ng almusal.

Kahalagahan ng Paggalang (IMPORMATIBO)
Ang paggalang ay isang mahalagang ugali na dapat taglayin ng bawat tao. Ipinapakita ito sa pamamagitan ng mabuting pananalita at tamang kilos. Kapag may paggalang ang isang tao, nagiging maayos ang pakikitungo sa kapwa. Nakakatulong ito upang mapanatili ang kapayapaan sa pamilya at komunidad.

Ang Aking Tahanan (DESKRIPTIBO)
Ang aming tahanan ay simple ngunit maayos. Dito kami sama-samang kumakain at nagkukuwentuhan. Tahimik at ligtas ang aming bahay. Ang aming tahanan ay puno ng pagmamahalan at pagkakaunawaan.

Comments

Popular posts from this blog

Myblog